Hulaan ninyo kung ano ang nakita ko nung i-click ko ang “What’s New!” na link sa aking Gmail Account? Pwede nang i-set sa Tagalog ang wika na ginagamit ng Gmail! Para akong isang bata na binigyan ng bagong laruan. Agad-agad kong isinet sa “Tagalog” ang aking Gmail at inusisa kung paano nila tinranslate sa Tagalog…
Author: Enrico Pangan
Buksan na ang Microsoft Bintana
Matutuloy na ang aking matagal-tagal na ring inaabangan: Ang paglalabas ng Microsoft “Bintana”! Ayon sa Manila Bulletin, malamang ay ilabas na rin ang Filipino version ng Microsoft Windows bago matapos ang taon. At ‘di tulad ng “Starter Edition” na nilabas nila sa Thailand, Indonesia, Malaysia, India at South America, mukhang kumpleto ito sa features at…
Kapag May Gumasgas sa Bumper Ninyo…
Gasgasin niyo rin ang bumper nila! Yan ang una kong naisip nung pagpunta ko saaradahan ko at nakita kong may gasgas yung bumper ko. Hindi ko alam kung sino ang gumasgas at wala rin yung lagi kong katabing kotse kaya hindi ko ma-check kung may gasgas din siya. Hindi ko mai-describe ang galit pero buti…
136 yen kada litro
Iyan ang halaga ngayon ng gasolina dito sa Japan. 68 piso kada litro (2yen=1piso). 1.24 dolyar kada litro (110yen=1dolyar). Nung unang beses akong bumili ng gasolina para sa scooter ko nuong 2004/2 ay 112 yen kada litro pa ito. Medyo malaki na rin ang pinagbago bakit nga ba ngayon ko lang napansin… Marahil ito ay…
Pinoy Scrabble
Nuong isang araw ay naglaro kami ng ilan sa mga kaibigan ko ng Scrabble. Ayaw naming maging boring ito kaya ang rule namin ay kahit anung salita basta naiintindihan namin mapa-English, Japanese o Filipino man ito. Ang kinalabasan: Pinoy Scrabble. Dahil na rin ayaw naming magmukhang intelektwal, iniwasan namin ang mga salitang Ingles at malalalim…
Sakyan na ang Toyota Allion
Eto na ang aking bagong baby… my “brand new second hand” Toyota Allion. Nung isang buwan ko pa ito binili pero ngayon ko lang nilagay dito sa blogsite dahil ngayon ko lang natanggap yung picture na kinunan ng kebigan ko. Ang pangalang “Allion” ay pina-iksing “All-in-one” ayon na rin sa website ng Toyota. Ito raw…
Lumipat na ko sa OpenOffice
Sa kompyuter ko sa bahay, OpenOffice (Version 1.9+) na ang application na ginagamit ko at ito lang ang masasabi ko: mukhang hindi na ako babalik sa Microsoft Office. Kaya nitong buksan halos lahat ng files na gawa sa MS Office: Word, Excel at Powerpoint. Wala pa akong masyadong nakikitang problema pera na lang dun sa…
Nakakasawa Na!
Nakakasawa nang manuod ng TV PATROL dahil puro na lang bugbugan at saksakan sa Tondo at krisis sa pulitika ang mapapanuod. Nakakasawa nang magbasa ng INQ7 dahil puro na lang problema ang mababasa. Kaya mula ngayon, iibahin ko na ang aking mga papanuorin sa TV at babasahin sa Internet. Imbis na TV PATROL, mas makabuluhan…
EDSA na Naman?!
Nuong nakaraang linggo, nag-piyesta na naman ang Philippine Media dahil sa posibilidad na magkaroon muli ng EDSA People Power. Sa mga nagpapasimuno nito, EDSA-hin ninyo mukha niyo! Hinda na ba kayo nagsawa?! Mula nung natalo si Diosdado Macapagal nuong 1965 ay iisa pa lang talaga ang naging Pangulo natin na nanalo at napalitan sa pamamagitan…
Paradahan sa Japan
Sana ay makatulong ito sa mga Pilipino sa Japan na naghahanap ng paradahan… Isa sa mga requirements bago kayo makabili ng kotse ay ang makapagbigay kayo nang patunay na merong paparadahan ang kotse ninyo na ang layo mula sa kasalukuyang tinitirhan niyo ay hindi lalampas nang dalawang kilometro. Ito ay para na rin masigurado nila…
Kasalang Hapon
Bukas ay dadalo ako sa kasal nang aking kaibigan. Pangalawang beses ko na itong dumalo sa Kasalang Hapon pero kahit ngayon ay parang hindi pa rin ako masanay-sanay sa mga formalities nila dito. Dito ay ide-describe ko ang regalo na ibinibigay nila sa bagong kasal na sana ay makatulong sa ibang mga Pilipino na dadalo…
Brand New o Segunda Mano
Ngayon ay nalilito ako kung brand new ba o segunda-manong kotse ang bibilhin ko. Maganda kung brand new dahil makasisigurado akong walang gas-gas, hindi laspag, amoy bago ang loob at nasa perpektong kondisyon ang kotse. Maganda rin naman kung segunda mano dahil sa parehong halaga ay makabibili ako ng mas malaki at mas magandang modelo….