Libreng Alternative Softwares

Marami sa mga Unibersidad ngayon dito sa Japan ang naghihigpit sa paggamit ng mga illegal softwares sa mga kompyuters ng mga estudyante. Bilang tulong na rin sa mga kebigan kong estudyante, eto na po ang aking listahan ng mga libreng alternatives sa mga mamahaling softwares na nakasanayan na nating gamitin.

Eto yung mga ginagamit ko mismo sa kompyuter ko. Hindi ko na sinama dito yung Mozilla Firefox dahil libre rin naman yung pinapalitan nitong Internet Explorer.

Adobe Elements – Picasa
Adobe PDF Writer – PDF Creator
Adobe Photoshop – GIMP
Microsoft Office – OpenOffice.org
Norton Antivirus – Avast Home Edition
Winzip – 7-Zip

At para sa mga hardcore na hanggang Operating System ay handang palitan, mukhang magandang kapalit ng Microsoft Windows ay ang Ubuntu Linux o yung mas sikat na Fedora Core.

Sana ay nakatulong ito at kung may alam kayong mas magandang alternatives, sabihin niyo lang sa akin at siguradong ito’y ikatutuwa ko.

One Comment Add yours

  1. Unknown's avatar jheric says:

    nagkaiba lang tayo sa winzip at anti-virus, FilZip at AVG ang gamit ko…

    Like

Leave a reply to jheric Cancel reply