Dalawang taon pagkatapos kong matanggap ang aking kauna-unahang imbitasyon para sumali sa Friendster, ginawa ko na rin ang hindi aakalain ng mga kaibigan kong gagawin ko… in-accept ko rin ang mga imbitasyong naipon sa inbox ko!

Matagal-tagal din akong nagmatigas-ulo at sa kahit anung galing mangumbinsi ng mga kebigan ko, hindi talaga ako mapasali sa Friendster. Lahat na ng dahilan ay nagamit ko porke wala akong oras magsusulat ng mga “testimonial”, porke wala akong panahong makipag-chika-chika sa mga taong matagal ko na rin namang hindi nakikita, porke baka ma-addict ako mawalan ako na ako ng oras para sa mga friends ko dito sa Japan.
Sa laking gulat ko, nakaka-enganyong magsulat ng “testimonials”, nakaka-tuwang makipag-chika-chika sa mga long lost friends ko at hindi pa rin naman ako nau-ubusan ng oras para sa mga friends ko dito sa Japan.
Idagdag nyo pa rito, nakaka-wiling magti-tingin sa mga bagong pictures ng mga lumang kebigan. Anu na nga ang itsura ni ganito? Ang taba na ni ganire! Nag-asawa na pala si ganiyan. Ilan na pala ang anak nila ganito? Bakit hindi pa rin sumasali sa Friendster si ganiyan? Hehehe.
Mahuli man ang magaling, maihahabol din.
welcome to the bandwagon 😀
LikeLike