136 yen kada litro

Iyan ang halaga ngayon ng gasolina dito sa Japan. 68 piso kada litro (2yen=1piso). 1.24 dolyar kada litro (110yen=1dolyar). Nung unang beses akong bumili ng gasolina para sa scooter ko nuong 2004/2 ay 112 yen kada litro pa ito.

Medyo malaki na rin ang pinagbago bakit nga ba ngayon ko lang napansin…

Marahil ito ay dahil duon sa pinupuntahan kong gasolinahang malapit sa bahay ko (Eneos), hindi nila ipinapaskil ang presyo ng kanilang gasolina. Kelangan ko pa itong i-solve mula sa resibo. Pati sa gasoline pump ay litro lang ang metro, walang presyo.

Matingnan nga sa ibang gasolinahan kung ganun din ang kanilang patakaran at kung ano ang kanilang presyo. Baka hindi ko namamalayan ay duon pala ako sa pinakamahal na gasolinahan namimili o baka pare-pareho lang ang presyo nila di tulad sa Pilipinas.

Marami pa talaga akong kelangang matutunan.

2 Comments Add yours

  1. Unknown's avatar jheric says:

    mukhang wrong timing ang pagbili mo ng wheels ah… napakataas ng presyo ng gasolina kahit saan…

    Like

  2. Enrico Pangan's avatar Enrico Pangan says:

    Buti na lang weekends ko lang sya ginagamit dahil scooter ang ginagamit ko papunta sa opisina sa pang-araw-araw. Kaya lang kahit scooter gumagamit ng gasolina. Hehe. 🙂

    Like

Leave a reply to jheric Cancel reply