Lumipat na ko sa OpenOffice

Sa kompyuter ko sa bahay, OpenOffice (Version 1.9+) na ang application na ginagamit ko at ito lang ang masasabi ko: mukhang hindi na ako babalik sa Microsoft Office.

Kaya nitong buksan halos lahat ng files na gawa sa MS Office: Word, Excel at Powerpoint. Wala pa akong masyadong nakikitang problema pera na lang dun sa isang PowerPoint file na ginawa nang isang kebigan ko kung saan may mga pictures na hindi lumilitaw ng tama.

Halos kamukha na rin ito ng MS Office kaya hindi ako masyadong nanibago sa paggamit sa kanya. Para sa mga katulad kong Pinoy dito sa Japan, matutuwa rin kayo dahil di tulad sa karamihang pre-installed na MS Office sa mga kompyuter na mabibili dito, pwedeng English ang interface kaya hindi nyo na kailangang magpakahirap magbasa ng mga Kanji. Kung medyo mas komportable na naman kayo sa Japanese, pwede nyo rin namang sigurong i-download yung Japanese version kaya lang hindi ko pa nasusubukan.

Di tulad ng MS Office Personal Edition na walang MS Powerpoint, kumpleto na rin ito at pwede na rin kayong gumawa ng mga presentations. Pwede nyo ring i-save yung mga files ninyo bilang MS Office Files kaya pwede pa rin itong mabuksan sa mga kompyuter na loyal pa rin sa MS Office.

Isa pa, nasabi ko na bang libre ito? Oo! Libreng-libre ito at pwede ninyong i-download mula sa Website nila (www.openoffice.org). Beta version (1.9+) pa nga lang yung na-download ko pero stable na rin ito at sa tingin ko ay pwedeng-pwede na para sa masa. Maganda ring pang-linis ito sa konsyensya ng mga kababayan nating mahilig pa ring mag-download ng mga illegal na software.

Sana lumabas na yung final version (2.0).

3 Comments Add yours

  1. Unknown's avatar jheric says:

    subukan ko nga tong open office…

    Like

  2. Enrico Pangan's avatar Enrico Pangan says:

    Cool, Jheric. Mabuhay ang Open Source! Para sa mga gumagamit ng MS Office 2003, ang OpenOffice raw ay parang lumang version ng MS Office. Medyo nakapapanibago pero sa tingin ko, pag nakasanayan na ang wala ng problema.

    Like

  3. Unknown's avatar jheric says:

    mukhang okay nga… panatiko din ako ng opensource… yun nga lang, windows pa rin ang OS ko sa bahay, kasi maninibago yung mga kapatid ko pag gumamit ako ng Linux…

    Like

Leave a reply to jheric Cancel reply