EDSA na Naman?!

Nuong nakaraang linggo, nag-piyesta na naman ang Philippine Media dahil sa posibilidad na magkaroon muli ng EDSA People Power. Sa mga nagpapasimuno nito, EDSA-hin ninyo mukha niyo!

Hinda na ba kayo nagsawa?!

Mula nung natalo si Diosdado Macapagal nuong 1965 ay iisa pa lang talaga ang naging Pangulo natin na nanalo at napalitan sa pamamagitan nang isang matinong Halalan at iyan ay si Ramos. Sina Marcos, Aquino, Estrada at Arroyo ay kundi man naging Pangulo nang dahil sa EDSA ay natanggal sa pagka-Pangulo nang dahil sa EDSA.

Ngayon, gusto niyo na namang tanggalin si Arroyo sa pamamagitan ng EDSA?!

Nuong una ay sumasang-ayon ako sa nakakarami na nagsasabing dapat tayong maging proud sa EDSA 1 pero ngayon hindi na. Ito ang nagsimula nang lahat… ito ay naging precedent nang EDSA 2, EDSA 3 at lahat pa nang EDSA People Power na susunod dito.

Sina Ramos at Enrile ang nagpasimula ng Military Adventurism na ginagaya na ng mga sundalo natin ngayon. Si Cardinal Sin ang nagpatatag ng impluwensiya ng simbahang Katoliko sa buhay pulitika ng Pilipinas. Si Cory ang nag-inspire sa mga namumulitikang asawa tulad nila Loi Estrada at Susan Roces.

Ako ay nananawagan sa lahat ng mga kababayan ko. Kailangan na nating ihinto itong walang katapusang EDSA People Power na ito!

Tulad nga ng slogan ni Cory nuong EDSA 1, “Tama na, Sobra na, palitan na!” Palitan na natin ang EDSA People Power ng mas-legal na pamamaraan para palitan ang sistema, kung kailangan mang palitan ito.

Maawa kayo sa Pilipinas!

2 Comments Add yours

  1. Unknown's avatar Torbik says:

    Let’s make baka! don’t be takot!

    Like

  2. Enrico Pangan's avatar Enrico Pangan says:

    Hahaha. Naaalala kita Punkquitodiaz nung nasa University pa tayo, isa ka talaga dun sa mga tunay na “Tibak” na iskolar ng bayan.

    Hinding-hindi talaga ako mahikayat ng mga “Tibak” na sumali sa kanilang mga ka-tibakan. Mas bagay yata ako sa Ateneo at La Salle kaysa sa UP.

    Like

Leave a reply to Enrico Pangan Cancel reply