Ngayon ay nalilito ako kung brand new ba o segunda-manong kotse ang bibilhin ko. Maganda kung brand new dahil makasisigurado akong walang gas-gas, hindi laspag, amoy bago ang loob at nasa perpektong kondisyon ang kotse. Maganda rin naman kung segunda mano dahil sa parehong halaga ay makabibili ako ng mas malaki at mas magandang modelo….