Ang Maynila Ayon Kay Prince Charles

Ayon sa balita, may nakita raw silang private journal kung saan inilalarawan ni Prince Charles ang Maynila bilang “awful, smelly polluted harbour absolutely clogged with filth and rubbish.”

Aray ko po!

Dati kapag ako ay nakakarinig ng mga ganitong balita, ang una kong reaksyon ay ang ipagtanggol ang Maynila. Maghahanap ako ng mga litrato ng Roxas Boulevard, Intramuros, Luneta, Baywalk at lahat pa ng magagandang lugar sa Maynila. Isasama ko na rin ang mga litrato ng Makati, Ortigas, Eastwood, Rockwell at pati na rin ang mapunong Quezon City.

Kung kukulangin pa yun ang maghahanap rin ako ng mga ghettos ng Inglatera para lang patunayan na hindi lang ang Maynila ang may ganun.

Pero hindi na ngayon.

Papasalamatan ko na lang si Prince Charles sa pagiging pranka niya sa kanyang journal (malamang ito ay dahil hindi niya inaasahang lalabas ito sa media). Binawi naman niya sa pagdadagdag na “the Philippines were incredibly friendly and warm-hearted and pleased to see the British.”

Kanya-kanyang opinyon lang yan.

One Comment Add yours

  1. Unknown's avatar nanee09 says:

    oi, im impressed!

    plz do comment on my posts too coz im promoting it…tnx!

    Like

Leave a comment