Kalalabas lang ng Firefox 1.5 at siyempre, update kagad ako. Una kong dinownload ang English version para sa kompyuter ko sa bahay tapos ang Japanese version para sa computer ko sa office. Sa laking gulat ko… may nakita akong bug!
At dahil na rin kamakailan ay wala na kaming ginawa sa office kundi maghanap at mag-ayos ng bugs, napag-isipan kong i-report ang bug na ito dito sa blogsite ko. Kapag sinipag ako ay ire-report ko rin ito sa Bugzilla.
Bug
Napuputol ang mga buttons at iba pang controls sa Options Dialog Box.
Screenshot
Screenshot gamit ang Firefox 1.5 sa Windows XP SP2 (Japanese)
Paano maipapalabas
Buksan ang Firefox 1.5 (Japanese)
Pindutin ang Ctrl-T para gumawa ng bagong tab
Buksan ang Dialog Box sa Tools->Options
I-click ang “General” icon sa itaas ng Dialog Box
Pahabol Sulat Mukhang mahihirapan silang ayusin ito. Kung hindi man kailangang palaparin ang Dialog Box para magkasya ang text, kailangan nilang paiksiin ang mga nakasulat sa Buttons.