Nakakasawa nang manuod ng TV PATROL dahil puro na lang bugbugan at saksakan sa Tondo at krisis sa pulitika ang mapapanuod. Nakakasawa nang magbasa ng INQ7 dahil puro na lang problema ang mababasa.
Kaya mula ngayon, iibahin ko na ang aking mga papanuorin sa TV at babasahin sa Internet. Imbis na TV PATROL, mas makabuluhan ang mga balita sa “Dateline Philippines” ng ANC. Imbis na INQ7, mas marami pa kong mababalitaan sa pagbabasa ng “Manila Bulletin”.
Sa Dateline Philippines ng ANC, hindi lang puro tungkol sa krisis sa pulitika ang mapapanuod. Marami ring balita tungkol sa mga iba’t-ibang mga pangyayari sa iba’t-ibang panig ng bansa. Hindi tulad ng TV PATROL, mahinahon ang mga reporters at hindi nakaka-depress panuorin.
Sa Manila Bulletin din, mahinahon ang mga opinyon at hindi nakaka-depress ang mga balita. Marami ring mga balita na galing sa iba’t-ibang panig ng bansa. Di tulad ng INQ7, straightforward ang kanilang mga balita at bihira silang mag-sensationalize ng mga isyu.
Sabi nga nila, “perception is reality”. Napagisip-isip ko na kung ang perception ko sa Pilipinas ay manggagaling na lang sa TV PATROL at INQ7, mawawalan na lang talaga ako ng pag-asa sa ating bansa at tuluyan na lang akong made-depress.
Ayokong maging depressed.